Pagpapakahulugan sa relasyong Sino-Amerikano bilang “kompetisyon,” tinututulan ng Tsina

2023-02-09 16:12:58  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng mga pananalita ni Pangulong Joseph Biden ng Amerika sa kanyang State of the Union address hinggil sa Tsina, tinukoy Miyerkules, Pebrero 8, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na hindi umiiwas at natatakot ang Tsina sa kompetisyon, pero hindi ito sang-ayon na ipakahulugan ang buong relasyong Sino-Amerikano bilang “kompetisyon.”

 

Idiniin ni Mao na ang pagtatamo ng Tsina at Amerika ng sariling tagumpay ay pagkakataon, sa halip na hamon, para sa isa’t isa.

 

Dagdag niya, bilang responsableng malaking bansa, hindi dapat siraang-puri ng Amerika ang ibang bansa, o isagawa ang restriksyon sa mga lehitimong karapatan at kapakanan ng ibang bansa, sa pangangatuwiran ng “kompetisyon.”

 

Ang ganitong aksyon ay lalo lamang aniyang nakakapinsala sa pandaigdigang kadena ng industriya at suplay.

 

Tinukoy rin niyang ang matatag at malusog na relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at komong hangarin ng komunidad ng daigdig, kaya hinimok niya ang panig Amerikano na itayo ang obdiyektibo at makatuwirang pananaw sa Tsina, igiit ang proaktibo at pragmatikong patakaran sa Tsina, at pasulungin, kasama ng Tsina, ang pagbalik ng relasyon ng dalawang bansa sa malusog at matatag na landas ng pag-unlad.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio