Ika-16 na Komprehensibong Porum ng Tsina at Hapon sa Pagtitipid ng Enerhiya at Pangangalaga sa Kapaligiran, idinaos

2023-02-12 13:54:38  CRI
Share with:

Beijing — Idinaos Sabado, Pebrero 11, 2023 ang Ika-16 na Komprehensibong Porum ng Tsina at Hapon sa Pagtitipid ng Enerhiya at Pangangalaga sa Kapaligiran.


Sa kanyang talumpati sa porum, tinukoy ni He Lifeng, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Puno ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Hapon upang patuloy na mapalalim ang kanilang kooperasyon sa luntian at mababang-karbong industriya, kooperasyong teknikal, diyalogo ng polisya, at pagpapalitan, at walang patid na mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa luntiang kaunlaran.


Ang nasabing porum ay magkakasamang itinaguyod ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, Ministri ng Komersyo ng Tsina, Ministri ng Kabuhayan, Kalakalan, at Industriya ng Hapon, at Asosasyong Ekonomiko ng Hapon at Tsina.


Dumalo at nagpalitan ng kuru-kuro sa porum ang mga kinatawan mula sa pamahalaan, bahay-kalakal, at organo ng dalawang bansa.


Salin: Lito