Pagpasok ng “lobo” ng Amerika sa teritoryong panghimpapawid ng ibang bansa, di-kataka-taka

2023-02-14 16:03:28  CMG
Share with:


Kaugnay ng pagdaan ng “lobo” ng Amerika sa teritoryong panghimpapawid ng Tsina, sa regular na preskon Lunes, Pebrero 13, 2023, inihayag ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na nitong nakalipas na isang taon lamang, mahigit sampung beses na ilegal na dumaan ang mga “lobo” ng panig Amerikano sa teritoryong panghimpapawid ng Tsina.

 

Aniya, dapat suriin ng Amerika ang sarili, sa halip na siraan at batikusin ang Tsina.

 

Tinukoy ni Wang na sa katunayan, ang Amerika ay siyang pinakamalaking bansa ng surveillance sa daigdig, at mayroon itong pinakamalawak na spy network.

 

Tinitiktikan ng National Security Agency (NSA) ng Amerika ang telepono at chat message ng matataas na opisyal ng Alemanya, Pransya, Norway, Sweden, Netherlands, at ibang bansang Europeo, saad niya.

 

Bukod pa riyan, lihim din aniyang nagkabit ng kasangkapang paniktik ang Amerika sa loob ng mahigit 100 pasuguan at konsulado nito sa ibayong dagat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio