Mga entidad ng Amerika na nakakapinsala sa soberanya at seguridad ng Tsina, papatawan ng ganting hakbangin ng Tsina

2023-02-16 15:35:07  CMG
Share with:

Inihayag, Miyerkules, Pebrero 15, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipapataw ng bansa ang mga ganting hakbangin laban sa mga kaukulang entidad ng Amerika na nakakapinsala sa soberanya at seguridad ng Tsina, alinsunod sa batas.

 

Tinukoy niyang ang pagpasok ng isang civilian unmanned airship ng Tsina sa teritoryong panghimpapawid ng Amerika ay purong di-sinasadya at di-inaasahang pangyayari na dulot ng force majeure, at paulit-ulit na ginawa ng panig Tsino ang paliwanag tungkol dito sa panig Amerikano.

 

Pero nagmalabis ang panig Amerikano ng dahas, gumawa ng sobrang reaksyon, nagpasidhi ng kalagayan, at ilegal na pinatawan ng sangsyon ang mga kompanya at organong Tsino sa katwiran ng pangyayaring ito. Buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang ganitong kilos, dagdag ni Wang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil