Tsina at Amerika, di-pormal na nagtagpo sa pagdaraos ng MSC

2023-02-20 16:41:01  CMG
Share with:

             

Ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina, sa paanyaya ng Amerika, sa sidelines ng Ika-59 na Munich Security Conference (MSC), di-pormal na nakipagtagpo si Wang Yi, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, kay Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika.

 

Bumigkas si Wang Yi ng keynote speech sa Ika-59 na MSC / Xinhua


Sa pagtatagpo, maliwanag na ipinahayag ni Wang ang solemnang posisyon ng panig Tsino hinggil sa umano’y airship incident.

 

Tinukoy ni Wang na ang aksyon ng Amerika ay malabis na paggamit ng dahas, at inilahad ng Tsina ang solemnang protesta hinggil dito. Dapat aniya tumpak na pakitunguhan ng Amerika ang kapinsalaan sa relasyong Sino-Amerikano na dulot ng pagmamalabis na paggamit ng dahas, at lutasin ang isyung ito.

 

Sa isyu ng Ukraine, binigyan-diin ni Wang na iginigiit ng Tsina ang mga prinsipyo, at palagiang ginaganap ng Tsina ang konstruktibong papel sa pagpapasulong ng kapayapaan at diyalogo.

 

Itinayo ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya batay sa prinsipyo ng walang-alyansa, walang-konprotasyon at hindi-pagtarget sa ikatlong bansa, at ito ay nasa loob ng soberanong karapatan ng dalawang nagsasariling bansa.

 

Hindi tinatanggap ng Tsina ang finger-pointing at pagsugpo ng Amerika sa relasyong Sino-Rusya. Bilang isang malalaking bansa, dapat pasulungin ng Amerika ang paglulutas ng isyu ng Ukraine sa pamamagitan ng pulitikal na paraan, sa halip na pasidhiin ang isyung ito o pakinabangan ito, sinabi ni Wang.

 

Samantala, tinukoy din ni Wang na dapat buong tatag na tutulan ang “pagsasarili ng Taiwan” at igiit ang prinsipyong isang Tsina, para mapangalagaan ang katatagan ng Taiwan Straits.

 

Sa isyu ng Taiwan, dapat igalang ng Amerika ang katotohanang pangkasaysayan, ipatupad ang pangakong pulitikal nito, at aktuwal na isagawa ang pagpapahayag nito ng di-suporta ng “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil