Tsina at Rusya: magkasamang ipapatupad ang totoong multilateralismo

2023-02-22 16:27:42  CMG
Share with:



Nagtagpo Pebrero 21, 2023, sa Moscow, Rusya, sina Wang Yi, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, at Nikolai Patrushev, Kalihim ng Konseho ng Seguridad ng Rusya.

 

Sa kumperensya ng konsultasyon sa estratehikong seguridad, tinakalay ng dalawang panig ang kasalukuyang pandaigdigang estratehikong kalagayan.

 

Ipinahayag ng dalawang panig na nakahandang magkasamang ipatupad ang totoong multilateralismo, tutulan ang lahat na paraan ng unilateral na hegemonismo, at pasulungin ang demokrasya sa pandaigdigang relasyon at multi-polar na daigdig.

 

Sinang-ayunan ng dalawang panig na patuloy na palalakasin ang kooperasyon sa loob ng multi-framework, at magkasamang magsikap ang dalawang panig para pabutihin ang pagsasaayos ng buong mundo.

 

Ipinalalagay ng dalawang panig na dapat buong tatag na mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko, tutulan ang mentalidad ng Cold War, bloke na komprontasyon o bloc confrontation, at ideolohikal na antagonismo.

 

Nagpalitan din ang dalawang panig hinggil sa isyu ng Ukraine.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil