Ipagpatuloy ang “Pag-aaral sa Diwa ni Kasamang Lei Feng” – Xi Jinping

2023-02-24 16:01:35  CMG
Share with:

Pebrero 23, 2022, Beijing – Sa aktibidad hinggil sa lalo pang pag-unawa at pag-aaral sa diwa ni Lei Feng, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang kahalagahan ng malalim na pag-unawa sa diwang iniwan ni Lei Feng.

 

Aniya, kailangang gawin itong mas maliwanag sa bagong panahon.

 

Chinese President Xi Jinping, visits Lei Feng Memorial Hall in Fushun, northeast China's Liaoning Province, September 28, 2018. /Xinhua

 

Dagdag ni Xi, ang taong 2023 ay Ika-60 Anibersaryo ng pagsusulat ng inskripisyon para kay Kasamang Lei Feng ng mga naunang henerasyon ng mga rebolusyonaryo, na kinabibilangan ni Mao Zedong.

 

Nitong nakaraang 6 na dekada, malawak at malalim na ipinagpapatuloy ang Kampanyang “Pag-aaral sa Diwa ni Kasamang Lei Feng,” aniya pa.

 

Si Lei Feng ay isang yumaong ordinaryong sundalo, at isang popular na pangalan sa Tsina dahil sa kanyang mga ginawa at diwa ng pagtulong sa kapuwa.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Xi, na ang Pag-aaral sa Diwa ni Kasamang Lei Feng ay isang pangangalaga sa kaisipan at pagpapahalaga ng hene-henerasyong mamamayang Tsino.

 

Gaano man ang pagbabago ng panahon, umiiral pa rin aniya ang diwa ni Lei Feng.

 

Hiniling ni Xi sa lahat, na dobleng magsikap para igarantiya ang suporta sa mga boluntaryo; paunlarin ang mga pangkat ng boluntaryo ng pag-aaral sa diwa ni Lei Feng; pabutihin ang naturang aktibidad sa buong lipunan, partikular sa mga kabataan para pasiglahin ang pagtatatag ng modernong soyalistang bansa sa lahat ng larangan; at pasulungin ang ganap na pagbangon ng nasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio