Plano sa kaunlarang didyital, inilabas ng Tsina

2023-02-28 15:03:11  CMG
Share with:

Magkasanib na inilabas kamakailan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ang pangkalahatang plano para sa kaunlarang didyital ng bansa.

 

Ayon dito, matatamo ang mahahalagang progreso sa konstruksyon ng didyital na Tsina sa 2025, na kinabibilangan ng mabisang interkonektibidad sa imprastrukturang didyital, didyital na ekonomiyang may kapansin-pansing pagbuti, at mga pangunahing breakthrough sa inobasyon ng didyital na teknolohiya.

 

Ayon pa sa plano, mangunguna sa daigdig ang kaunlarang didyital ng Tsina sa 2035, at magiging mas koordinado ang progresong didyital sa mga larangang gaya ng ekonomiya, pulitika, kultura, lipunan, at ekolohiya.

 

Ipinagdiinan din ng plano ang pagbibigay-suporta sa malalimang integrasyon ng teknolohiyang didyital at real economy, at paggamit ng teknolohiyang didyital sa mga aspektong gaya ng agrikultura, paggawa, pinansya, edukasyon, serbisyong medikal, transportasyon at enerhiya.

 

Salin: Vera

 

Puliddo: Rhio