FM ng Tsina, dadalo sa pulong ng mga FM ng G20

2023-02-28 16:42:06  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Pebrero 28, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Subrahmanyam Jaishankar, Ministrong Panlabas ng Indiya, dadalo si Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pulong ng mga ministrong panlabas ng G20 na idaraos Marso 2, sa New Delhi ng Indiya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio