Tsina sa Amerika: aprobahan ang “Kombensyon sa Karapatan ng mga Bata (CRC)” sa lalo madaling panahon

2023-03-03 16:41:03  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso 2, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy na aktibong nakikisangkot ang Tsina sa pandaigdigang kooperasyon para pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng usapin ng mga bata sa buong mundo.

 


Nanawagan ang Tsina sa Amerika na aaprobahan sa lalong madaling panahon ang “Kombensyon sa Karapatan ng mga Bata (CRC)” para mapangalagaan ang iba’t ibang karapatan ng mga bata sa aktuwal na aksyon.

 

Sa magkasanib na ulat na inilabas Marso 1, 2023, tinukoy ng International Labor Organization at United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF), malaki pa rin ang isyu ng kahirapan ng mga bata. Nanawagan sila na dapat palakasin ng iba’t ibang bansa ang pangangalaga sa mga bata.

 

Ipinahayag ni Mao na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng usapin ng mga bata.

 

Sinabi niyang, nitong araw na iyon, 31 taon na ang nakakaraan, isinumite ng Tsina sa UN ang pinagtibay na dokumento ng CRC. Nitong maraming taong nakararaan, aktibong isinasakatuparan ng Tsina ang obligasyon ng kombensyon, at aktuwal na iginagarantiya ang iba’t ibang karapatan ng mga bata.

 

Walang humpay na bumubuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga batang Tsino, at ang Tsina ay isa sa 10 bansa na inilagay ng World Health Organization (WHO) sa listahan ng pinakamabuting-palabas na bansa sa kalusugan ng ina at anak. Bukod dito, sa larangan ng paggarantiya ng karapatan ng edukasyon, itinayo na ng Tsina ang sistema ng edukasyon na may pinakamalaking saklaw sa buong daigdig.

 

Tinukoy ni Mao na ang Amerika ay tanging miyembro ng UN na hindi niratipikahan ang CRC. Ayon sa pinakahuling ulat ng New York Times, lumaki nang malaki ang mga ilegal na child labor ng Amerika. Noong 2022 lang, mahigit 6,000 bata sa Amerika ang namatay o nasugatan dahil sa insidente ng pagbabaril.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil