Qin Gang, dumalo sa pulong ng mga ministrong panlabas ng G20

2023-03-03 14:12:42  CMG
Share with:

Dumalo Huwebes, Marso 2, 2023 si Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pulong ng mga ministrong panlabas ng G20 na idinaos sa New Delhi ng India.


Sinabi ni Qin na sa pagharap sa kasalukuyang maligalig na kalagayang pandaigdig, dapat isabalikat ng G20 ang responsibilidad at pahigpitin ang kooperasyon para pasulungin ang kaunlaran at kasaganaan ng buong daigdig.


Dagdag pa niya, dapat isakatuparan ng G20 ang tunay na multilateralismo, igiit ang prinsipyo ng pantay na diyalogo, at pagkokoordinahan, sa halip ng power politics, at bloc confrontation, pasulungin ang malusog na pag-unlad ng globalisasyon, at tutulan ang unilateralismo, trade protectionism, at pagputol sa kadena ng pagsuplay at industriya.

Iniharap ni Qin ang tatlong mungkahi na kinabibilangan ng mga sumusunod:


Una, pagpapahigpit ng pagkokoordinahan sa pakataran ng makro-ekonomiya at pangangalaga sa seguridad ng pagkaing-butil at enerhiya.


Ikalawa, pagpapabuti ng pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig, pagpapatupad ng ika-16 pangkalahatang pagsusuri sa quota ng International Monetary Fund sa nakatakdang oras at pagsasagawa ng pagsusuri sa shareholding ng World Bank.


Ikatlo, pagpapahigpit ng kooperasyong pandaigdig sa pag-unlad.


Idiniin ni Qin na iniharap na ng Tsina ang Global Security Initiative at isinapubliko ang dokumento ng paninindigan sa pulitikal na paglutas sa krisis ng Ukraine para pasulungin ang mapayapang paglutas sa krisis na ito sa pamamagitan ng talastasan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio