Panunumpa ni Vo Van Thuong bilang Pangulo ng Biyetnam, binati ni Xi Jinping

2023-03-03 12:13:16  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Huwebes, Marso 2, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Vo Van Thuong, upang bumati sa panunumpa ng huli bilang Pangulo ng Biyetnam.

 

Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Biyetnam ay matalik na sosyalistang magkapitbansa.

 

Aniya, noong isang taon, nagkaroon siya, kasama si Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trong ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam, ng mahahalagang komong palagay hinggil sa pagpapatibay ng tradisyonal na pagkakaibigan, pagpapalakas ng estratehikong pag-uugnayan, at pagpapalalim ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

 

Magkasama silang nakatakda ng blueprint para sa pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam sa bagong panahon, dagdag ni Xi.

 

Diin niya, lubos niyang pinahahalagahan ang relasyong Sino-Biyetnames, at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Vo Van Thuong, upang mapasulong ang tuluy-tuloy, malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon, tungo sa magkasamang pagbuo ng komunidad na may estratehikong katuturan at pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil