Dapat itigil ng Amerika ang paninirang-puri ng ibang bansa - Tsina

2023-03-03 16:37:42  CMG
Share with:

Kaugnay ng paninirang-puri ni Antony Blinken sa Tsina sa isyu ng Ukraine, ipinahayag Marso 2, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iginigiit ng Tsina ang obdyektibong at makatarungang paninindigan, at pinapasulong ang diyalogong pangkapayapaan, para lutasin ang krisis sa pulitikal na paraan.

 


Hinimok ni Mao ang Amerika na i-reflect ang nitong sarili, at itigil ang paninirang-puri ng ibang bansa.

 

Sinabi ni Mao na walang humpay na inihahatid ng Amerika ang mga lethal weapons sa larangan ng digmaan ng Ukraine; bukod dito, palagiang kinakalat ng Amerika ang mga pekeng impormasyon.

 

Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang mga aksyon at pananalita ng Amerka, saad ni Mao.

 

Sinabi ni Mao na dapat aktuwal na isakatuparan ng Amerika ang responsibilidad, pasulungin ang diyalogong pangkapayapaan, at itigil ang paninirang-puri ng ibang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil