Bolyum ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa paligid ng BRI, karaniwang taunang lumaki ng 8%

2023-03-03 15:11:16  CMG
Share with:

Sinabi Huwebes, Marso 2, 2023 ni Chen Chunjiang, Asistente ng Ministro ng Komersyo ng Tsina, na mula taong 2013 hanggang 2022, ang bolyum ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa paligid ng Belt and Road Initiative (BRI) ay tumaas sa $2.07 trilyon mula $1.04 trilyon na may karaniwang taunang paglaki ng 8%.


Ang taong 2023 ay ika-10 anibersaryo na iniharap ng Tsina ang BRI. Sinabi ni Chen na noong 10 taong nakalipas, lumaki ang saklaw ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Tsina at mga bansang kasapi sa BRI, at tumaas ang antas ng kooperasyon ng dalawang panig sa imprastruktura, at kadena ng pagsuplay at industriya.


Sa larangan ng pamumuhunan, ang halaga ng pamumuhunan ng Tsina at mga bansa sa paligid ng BRI sa isa’t isa mula taong 2013 hanggang 2022, ay lumampas sa $270 bilyon, at ang pamumuhunan ng Tsina sa naturang mga bansa ay nakalikha ng 421 libong pagkakataon ng trabaho sa lokalidad, dagdag pa ni Chen.


Kaugnay ng patuloy na pagpapasulong ng kooperasyon sa ilalim ng BRI, sinabi ni Chen na mariin na patataasin ang kalidad ng kooperasyon, palalawakin ang larangan ng kooperasyon at pahihigpitin ang paggarantiya sa mga kooperasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio