Offline exhibition ng CIEF, panunumbalikin

2023-03-17 15:07:17  CMG
Share with:

Ipinahayag Huwebes, Marso 16, 2023 ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na komprehensibong panunumbalikin ang offline exhibition ng China Import and Export Fair (CIEF) sa taong ito.


Ang ika-133 na CIEF ay idaraos sa Guangzhou ng lalawigang Guangdong mula Abril 15 hanggang Mayo 5. Kauna-unahang gagamitin ng CIEF ang bagong tayong pavilion.


Sinabi ni Shu na ang saklaw ng pagtatanghal sa ika-133 na CIEF ay umabot sa 1.5 milyong metro kuwadrado mula 1.18 milyong metro kuwadrado noong dati at mahigit 30 libong bahay-kalakal ang nag-apela para lumahok sa offline exhibition ng CIEF.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil