Premyer Tsino, hinimok ang pagsisikap para tiyakin ang magandang simula ng lahat ng mga gawain

2023-03-18 10:36:37  CMG
Share with:

 

Ipinatawag kahapon, Marso 17, 2023, ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang unang pulong na plenaryo ng bagong terminong Konseho ng Estado, kung saan hinimok niya ang pagsisikap para buong taimtim na ipatupad ang mga desisyon at plano ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at tiyakin ang magandang simula ng lahat ng mga gawain.

 

Sa pulong na ito, itinakda ang mga tungkulin ng mga pangunahing opisyal at institusyon ng Konseho ng Estado, pinagtibay ang bagong rebisadong mga tuntunin sa mga gawain ng organong ito, at idineploy ang mga gawain ng pamahalaan.

 

Kaugnay nito, tinukoy ni Li, na ang de-kalidad na pag-unlad ay priyoridad ng mga gawain.

 

Dapat aniyang pasulungin ang mainam na takbo ng kabuhayan, paunlarin ang real economy, palalimin ang reporma at pagbubukas sa labas, tiyakin ang matatag na suplay ng mga pagkaing-butil at pangunahing produktong agrikultural, ipagpatuloy ang pagpapabuti ng kapaligirang ekolohikal, at buong husay na isagawa ang mga usaping panlipunan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos