Tsina, nanawagang panumbalikin ang tulong na pangkabuhayan sa Sudan

2023-03-21 16:24:15  CMG
Share with:

 

Nanawagan Lunes, Marso 20, 2023 si Dai Bing, charge d'affaires ng delegasyong Tsino sa United Nations, sa mga may kinalamang bansa at pandaigdigang organisasyong pinansiyal na agaran at walang pasubali na panumbalikin ang tulong na pangkabuhayan sa Sudan.

 

Hinimok din ni Dai ang mga may kinalamang panig na isagawa ang aktuwal na aksyon para alisin ang sangsyon sa Sudan.

 

Sinabi ni Dai na kamakailan, natamo ang malaking progreso ng kalagayang pulitikal ng Sudan at sinuportahan ng Tsina ang patuloy na pagsasagawa ng mga may kinalamang panig ng diyalogo at pagpapalawak ng komong palagay para hanapin ang landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng bansa.

 

Tinukoy ni Dai na bukod sa kalagayang pulitikal, dapat ding ikabahala ang kalagayan ng kabuhayan at lipunan ng Sudan.

 

Ayon sa pagtaya ng UN, sa kasalukuyang taon, kinakailangan ng halos sangkatlong populasyon ng Sudan ang makataong tulong at ang pagbawas ng pondo na ibinigay ng daigdig ay malubhang naglimitasyon sa mga gawaing makatao sa bansang ito.

 

Kaya aniya, nanawagan ang panig Tsino sa mga may kinalamang bansa at pandaigdigang organisasyong pinansiyal na agaran at walang pasubali na panumbalikin ang tulong na pangkabuhayan sa Sudan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil