pinahayag Lunes, Abril 3, 2023 sa Beijing ni Xi Jinping, Pangulong Tsino at Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na dapat mahigpit na isagawa ang galaw ng edukasyon sa partido para pag-aralan at ipatupad ang Thought on Socialism with Chinese Characteristics for a New Era. Layon nito aniya ay pasulungin ang inobasyon ng teorya ng partido at patuloy na palakasin ang kakayahan ng partido sa pangangasiwa at pamumuno.
Winika ito ni Xi sa isang working conference na nilahukan ng mga mataas na opisiyal ng buong partido.
Hiniling ni Xi sa mga miyembro ng CPC na dapat itatag ang pilosopiya ng pag-unlad na ang nukleo ay mga mamamayan, igiit ang pundamental na prinsipyo ng partido na buong lakas na naglilingkod para sa mga mamamayan at ang layon ng lahat ng mga gawain ay para sa mga mamamayan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil