GMA, ginawaran ng Friendship Ambassador Award ng Tsina

2023-04-04 14:36:17  CMG
Share with:

Idinaos Lunes, Abril 3, 2023 sa Beijing ng Chinese People’s Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC) ng Tsina ang seremonya para gawaran si Gloria Macapagal Arroyo (GMA), dating Pangulo ng Pilipinas, ng Friendship Ambassador Award ng Tsina.


Sa seremonyang ito, pinasalamatan ni Lin Songtian, Presidente ng CPAFFC, ang mahalagang papel at ambag ni GMA para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Filipino, at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa noong nakaraang ilampung taon.


Ipinahayag ni Lin na ang award na ito ay nagpapakita ng paggalang at pasasalamat ng mga mamamayang Tsino kay GMA at nagpapasigla sa pagsisikap ng dumaraming tao para sa usapin ng pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas.


Pinasalamatan ni GMA ang paggawad ng CPAFFC ng award sa kanya.


Ipinahayag ni GMA na nakita mismo niya ang malaking natamong ambag ng Tsina sa iba’t ibang larangan sapul nang isagawa nito ang reporma at pagbubukas sa labas noong 1978.


Umaasa aniya siyang bibista ang dumaraming batang Pilipino at Tsino sa isa’t isa para itatag ang tamang pagkaalam at pagkaunawa sa isa’t isa at relasyong Sino-Filipino.


Salin: Ernest

Photo: Sissi

Pulido: Ramil