Gloria Macapagal Arroyo, kinatagpo ng senior diplomat ng Tsina

2023-04-04 15:09:01  CMG
Share with:

Beijing – Nakipagtagpo Lunes, Abril 3, 2023 si Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kay Gloria Macapagal Arroyo, Senior Deputy Speaker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas.

 


Saad ni Wang, noong Enero ng taong ito, nag-usap ang mga pangulo ng Tsina at Pilipinas, at ginawa nila ang mahalagang estratehikong patnubay sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.

 

Dapat sundin aniya ng kapuwa panig ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at igiit ang maayos na paghawak sa mga alitan sa pamamagitan ng pag-uugnayan at diyalogo.

 

Huwag hayaan ang paghadlang ng mga isyung pandagat sa pangkalahatang pag-unlad ng bilateral na relasyon, huwag payagan ang pagsira ng ika-3 panig sa mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa, at higit sa lahat, hinding hindi pahihintulutan ang muling pag-usbong ng kaisipan ng Cold War at pagpinsala nito sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, dagdag niya.

 


Inihayag naman ni Arroyo na lubos siya ng pananabik sa modernisasyong istilong Tsino, at ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan ay tumpak na landas para sa buong mundo.

 

Nakahanda aniya siyang patuloy na magpunyagi upang pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyong Pilipino-Sino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil