Durian ng Pilipinas, maaaring magsagawa ng clearance sa adwana ng Tsina

2023-04-04 14:02:42  CMG
Share with:

Ipinatalastas Lunes, Abril 3, 2023 ng pamahalaang Tsino ang listahan ng mga bahay-kalakal ng Pilipinas na angkop sa kahilingan ng kasunduan ng Tsina at Pilipinas sa pag-quarantine at pag-inspection sa durian na iniluluwas ng Pilipinas sa Tsina.


Ito’y palatandaang maaaring ihatid ng mga bahay-kalakal ng Pilipinas na sinakop sa listahan ang mga durian sa Tsina at isagawa ang clearance sa adwana ng Tsina.


Pagkatapos nito, ang Pilipinas ay naging ikatlong bansang maaaring magluwas ng sariwang durian sa Tsina, at ang iba pang dalawang bansa ay Thailand at Biyetnam.

Ang Malaysiya naman ay kasalukuyang nagluluwas ng frozen durian sa Tsina.


Ayon sa estatistika ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, ang kabuuang bolyum ng sariwang durian na inangkat ng Tsina noong 2022 ay umabot sa 824.8 libong tonelada.


Ayon sa pagtaya, ang bolyum ng durian na iluluwas ng Pilipinas sa Tsina sa taong 2023 ay may pag-asang aabot sa 50 libong tonelada.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil