Unang dalawang bolyum ng piling gawa ni Xi, inilathala

2023-04-04 17:22:01  CMG
Share with:

Inilathala na ng People’s Publishing House ang unang dalawang bolyum ng bagong serye ng aklat ng piling gawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Ang naturang aklat ay inedited ng Editorial Committee on Party Literature ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at inisyu ito sa buong bansa mula noong Abril 3, 2023.

 

Ang unang bolyum ng aklat ay binuo ng 71 gawa ni Xi na kinabibilangan ng mga talumpati, instructions, direktiba at iba pa mula Nobyembre, 2012 hanggang Oktubre, 2017.

 

Ang ikalawang bolyum ng aklat ay binuo ng 75 gawa ni Xi na kinabibilangan ng ulat, talumpati at iba pa mula Oktubre, 2017, hanggang Oktubre 2022.

 

Ilan sa mga ito ay kauna-unahang isinapubliko.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil