Posisyon ng Tsina sa isyu ng Afghanistan, inilabas

2023-04-13 14:34:07  CMG
Share with:

 

Inilabas kahapon, Abril 12, 2023 sa website ng Ministring Panlabas ng Tsina ang dokumentong pinamagatang China’s Position on the Afghan Issue.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nasa masuring panahon ang pagbangon ng Afghanistan mula sa digmaan at kaguluhan.

 

Layon aniya ng dokumento na sistematiko at komprehensibong ipaliwanag ang paninindigan at patakaran ng Tsina, at tipunin ang komong palagay at puwersa ng komunidad ng daigdig para tulungan ang rekonstruksyon at pag-unlad ng nasabing bansa.

 

Inilahad ni Wang na kabilang sa mga pangunahing nilalaman ng naturang dokumento ay mga saligang patakaran ng Tsina, pagkatig sa matatag at mabuting pangangasiwa sa Afghanistan, mapayapang rekonstruksyon, matatag na paglaban sa terorismo, paghiling sa Amerika na ipatupad ang pangako at responsiblidad nito sa Afghanistan, pagpapahigpit ng multilateral na pagkokoordinahan hinggil sa isyu ng Afghanistan, pagtulong sa paglutas ng isyu ng refugees at humanitaryo, at pagkatig sa pagbabawal ng droga sa Afghanistan.

 

Saad ni Wang, ang ikaapat na pulong ng “Foreign Ministers among the Neighboring Countries of Afghanistan” ay idaraos Abril 13, sa Samarkand,  Uzbekistan.

 

Aniya pa, nakahanda ang Tsina na ibayo pang pahigpitin, kasama ng komunidad ng daigdig, ang pagkokoordinahan at pagtutulungan para tulungan ang pagsasakatuparan ng Afghanistan ng matatag na pag-unlad sa lalong madaling panahon at isakatuparan ang pangmatagalang seguridad, kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio