MOFA, nagprotesta sa pagsasagawa ng Amerika ng pag-akusasyon at sangsyon sa mga bahay-kalakal at sibilyang Tsino

2023-04-18 16:34:49  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng pagpapatalastas kamakailan ng Pamahalaang Amerikano na isagawa ang pag-akusasyon at sangsyon sa mga bahay-kalakal at sibilyang Tsino na may kinalaman sa fentanyl precursor chemicals, ipinahayag Lunes, Abril 17, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na matinding kinondena ng panig Tsino ang nabanggit na aksyon ng Amerika at iniharap ang solemnang representasyon.

 

Tinukoy ni Wang na kasabay ng paghiling ng Amerika sa Tsina para mapanumbalik ang kooperasyon sa pagbawal sa droga, muling isinagawa ng Amerika ang pag-akusasyon at sangsyon sa mga bahay-kalakal at sibilyang Tsino. Ito aniya ay malubhang nakapinsala sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga may kinalamang bahay-kalakal at sibilyang Tsino.

 

Sinabi ni Wang na palagiang iginigiit ng Tsina ang mahigpit na patakaran at hakbangin sa pagbabawal sa droga at ang di-umano’y fentanyl precursor chemicals ay mga normal na kemikal.

 

Tinukoy ni Wang na tulad ng alam ng lahat, sa pandaigdigang kalakalan, may responsibilidad ang mga nag-aangkat sa pagpigil ng pagpasok ng mga normal na kemikal sa channel ng pagproprodyus ng mga droga.

 

Tinukoy ni Wang na ang populasyon ng Amerikano ay katumbas ng 5% lamang ng kabuuang populasyon ng buong daigdig, pero gumastos ang mga Amerikano sa halos 80% ng lahat ng opioids sa buong daigdig.

 

Dagdag pa ni Wang na sa kasalukuyan, isinagawa ng komunidad ng daigdig na gaya ng Tsina ang napakahigpit na pagpigil at pagkontrol sa fentanyl-related substances, pero wala pang isinagawa ng Amerika ang ganitong pagkontrol sa mga fentanyl-related substances.

 

Ito aniya ay nagdulot ng paglalala ng isyu ng fentanyl sa loob ng Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil