Ika-3 CICPE, ipininid

2023-04-18 15:37:03  CMG
Share with:

 

Ipininid Abril 15, 2023 sa lunsod ng Haikou, lalawigang Hainan ng Tsina ang ika-3 China International Consumer Production Expo (CICPE).

 

Ayon sa datos, 3382 kumpanya mula sa 65 bansa at rehiyon ang lumahok sa ika-3 CICPE at lumaki ito ng 19% kumpara sa ika-2 CICPE.

 

Lumahok din sa CICPE ang mahigit 2,000 dayuhang purchaser galing sa 35 bansa at rehiyong gaya ng Italya, Pransya, Alemanya, Hapon, Timog Korea, Biyetnam, Indonesiya at Thailand.

 

Bukod dito, mahigit 320 libong person-time ang bumisita sa mga pabilyon ng CICPE.

 

Layon ng ika-3 CICPE na palakasin ang kompiyansa at pasiglahin ang paglaki ng konsumo. Mahigit 1000 bagong produkto ang kauna-unahang isinapubliko sa ika-3 CICPE at ang mga produktong green industry, pangkalusugan at fashion industry ay mabiling mabili sa CICPE.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil