Industriya ng software ng Tsina, mabilis na umuunlad

2023-04-19 16:33:17  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Martes, Abril 18, 2023 ng Ministry of Industry and Information Technology ng Tsina (MIIT) na sapul noong 2012, mabilis na umuunlad ang industriya ng software ng bansa at ang karaniwang bahagdan ng paglaki bawat taon ay umabot sa 16%.

 

Ayon sa datos ng MIIT, ang kabuuang kita ng industriya ng software ng Tsina noong 2022 ay umabot sa mahigit 1 trilyong yuan Renminbi at lumaki ito ng 11.2% kumpara sa taong 2021.

 

Ipinahayag din ng MIIT na sa susunod na yugto, pabibilisin ang pananaliksik sa mga masusing software at komprehensibong pataasin ang antas ng industriya ng software.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil