South China Sea, komong tahanan ng mga bansa sa rehiyon – MOFA

2023-05-04 17:02:49  CMG
Share with:

Hinggil sa mutuwal na depensa ng Amerika at Pilipinas at South China Sea, inihayag Huwebes, Mayo 4, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyon, nananatiling matatag sa kabuuan ang kasalukuyang kalagayan ng South China Sea, at walang anumang problema sa kalayaan sa paglalayag at paglipad sa nasabing karagatan.

 

Aniya, ang Mutual Defense Treaty ay bilateral na kasunduan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

 

Sa kabilang banda, buong tatag aniyang tinututulan ng panig Tsino ang pakikialam ng anumang bansa sa isyu ng South China Sea at pagpinsala sa soberanyang panteritoryo at karapata’t kapakanang pandagat ng Tsina, sa katuwiran ng bilateral na kasunduan.

 

Diin ni Mao, ang South China Sea ay komong tahanan ng mga bansa sa rehiyon, at ito ay hindi dapat gawing lugar ng pangangaso ng puwersang panlabas.

 

Ang paggigiit ng mga bansa sa rehiyon sa pagtitiwalaan, pagkakaisa, at pagtutulungan ay susi ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito.

 

Ang inisyatiba ng maayos na paghawak sa mga alitan ay dapat nakasalalay sa sariling mga bansa, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio