Ayon sa Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, Mayo 3, 2023, umabot sa 274 milyong person-time ang bilang ng mga domestikong turista sa bansa noong nagdaang Labor Day holiday, at ito’y lumaki ng halos 71% kumpara sa gayunding panahon ng 2022.
Anito pa, mahigit 148 bilyong yuan Renminbi ang kita ng domestikong turismo na lumaki ng halos 129% kumpara sa gayunding panahon ng nakaraang taon.
Idinaos sa buong bansa ang mahigit 31 libong iba’t-ibang uri ng palabas, mahigit 1.5 bilyong yuan Renminbi ang kita ng box-office, at ang bilang ng mga manonood ay umabot sa mahigit 8.65 milyong person-time, dagdag ng ministri.
Ang mga popular na destinasyon ay kinabibilangan ng Beijing, Hangzhou, Dali, Xiamen, Chongqing, Changsha at Zibo.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio