Pagkakataong komersyal sa kahabaan ng Belt and Road, pinalalawak ng Ika-133 Canton Fair

2023-05-05 16:39:23  CMG
Share with:

Ipininid ngayong araw, Mayo 5, 2023, ang Ika-133 China Import and Export Fair, na kilala rin bilang Canton Fair.



Nasa 35 libong kompanya mula sa loob at labas ng Tsina ang lumahok dito at umabot sa 1 milyon ang mga panindang ineksibit.

 

Dagdag pa riyan, hanggang noong Mayo 4, naitalang umabot sa mahigit 2.8 milyong person time ang visit flow sa perya.

 

Samantala, kapuwa lumikha ng bagong rekord sa kasaysayan ang lugar na saklaw at bilang ng mga kalahok na kompanya.

 

Sa kabilang dako, nasa 370 ang mga kalahok na kompanya galing sa mga bansa at rehiyon sa kahabaan ng “Belt and Road.”

 

Hindi lamang bagong pagkakataon ang hatid sa kanila ng Canton Fair, aktibo ring pinalalawak ng perya ang bagong merkado sa mga bansa at rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio