Amerika, ang nag-utos ng pag-atake ng drone sa Kremlin – Rusya

2023-05-05 15:43:04  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Huwebes, Mayo 4, 2023 ni Dmitry Peskov, Kalihim ng Pamamahayag ng Pangulong Ruso, na ang pag-atake ng drone sa Kremlin ay isinagawa ng Ukraine, ayon sa utos ng Amerika.

 

Aniya, mataimtim na isinasagawa ng panig Ruso ang imbestigasyon sa insidenteng ito.

 

Dagdag ni Peskov, ang anumang pagtatangka ng Amerika at Ukraine na pabulaanan ang pagkakasangkot sa naturang insidenteng ay katawa-tawa.

 

Sinabi pa niyang idaraos sa Mayo 9 ng panig Ruso ang paradang militar batay sa nakatakdang iskedyul.

 

Sa kabilang dako, nauna nang pinabulaanan ng White House ang pagkakasangkot sa nasabing insidente.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio