Panawagan sa pagresolba sa krisis ng Ukraine sa pamamagitan ng talastasang pangkapayapaan, inulit ng ministrong panlabas ng Tsina

2023-05-05 15:39:21  CMG
Share with:


Goa, Indya - Sa kanyang pakikipagtagpo sa kanyang Russian counterpart na si Sergei Lavrov sa sidelines ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) Huwebes, Mayo 4, 2023, inulit ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang posisyon ng kanyang bansa sa pagpapasulong sa talastasang pangkapayapaan para malutas ang krisis sa Ukraine.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na panatilihin ang komunikasyon at koordinasyon sa Rusya, upang gawin ang aktuwal na ambag tungo sa pulitikal na pagresolba sa krisis.

 

Ayon naman kay Lavrov, pinahahalagahan ng kanyang bansa ang position paper ng Tsina hinggil sa pulitikal na resolusyon ng naturang usapin.

 

Sang-ayon din aniya ang Rusya sa ideya ng Tsina, at handa nitong panatilihin ang mahigpit at matapat na ugnayan sa Tsina.

 

Samantala, plano ng kapuwa panig na isa-ayos ang bilateral na ugnayan sa mataas na antas at iba’t-ibang antas sa susunod na yugto, palakasin ang kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan, at palalalimin ang pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Nais din nilang palakasin ang ugnayan at koordinasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko, tutulan ang bagong Cold War, at ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio