Aksyon na ibayong magpapa-igting sa isyu ng Ukraine, dapat iwasan – Tsina

2023-05-05 15:40:21  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng pahayag ng Rusya na inatake ng Ukraine ang Kremlin gamit ang mga drone, sinabi Huwebes, Mayo 4, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na palagi at maliwanag ang paninindigang Tsino sa krisis ng Ukraine, at dapat iwasan ng iba’t-ibang panig ang anumang aksyong ibayo pang magpapa-igting sa nasabing isyu.

 

Samantala, kaugnay naman ng pagpapadala ng espesyal na sugo ng Tsina sa Ukraine at ibang mga bansa, ipinahayag ni Mao na isasapubliko ang mga detalye sa angkop na panahon.

 

Aniya, kasama ng komunidad ng daigdig, patuloy na gaganap ng konstruktibong papel ang Tsina, para sa pulitikal na kalutasan ng krisis sa Ukraine.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio