Premyer Tsino at Presidente ng IOC, nagtagpo sa Beijing

2023-05-07 15:16:21  CRI
Share with:

Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Mayo 6, 2023 kay Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na sa harap ng napakahigpit na hamong dala ng pagbabago ng situwasyong pandaigdig at pandemiya, ginaganampan ng IOC ang espesyal at mahalagang papel sa pangangalaga ng kapayapaang pandaigdig at pagpapasulong ng progreso ng sangkatauhan.


Sa mula’t mula pa’y pinahahalagahan aniya ng Tsina ang pagpapa-unlad ng palakasan, aktibong nakikilahok sa mga pandaigdigang usapin ng Olimpiyada, at isinasagawa kasama ng IOC ang napakabisang kooperasyon nitong mga nakalipas na taon.


Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng IOC upang tutulan ang pagsasapulitika ng palakasan, at magbigay ng mas malaking ambag para sa Olimpiyada at pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.


Ipinahayag naman ni Bach ang pasasalamat sa ibinibigay na suporta ng panig Tsino sa IOC.


Inaasahan aniya ng IOC na mapapalakas pa ang kooperasyon sa panig Tsino.


Salin: Lito

Pulido: Rhio