Punong lehislador ng Tsina, dumalaw sa Morocco

2023-05-15 15:54:48  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Ispiker Rachid Talbi Alami ng Mababang Kapulungan ng Morocco, isinagawa ni Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ang opisyal na pagdalaw sa bansa, Mayo 11 hanggang 14, 2023.

 

Sa pakikipagtagpo kay Punong Ministro Aziz Akhannouch ng Morocco, sinabi ni Zhao na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Xi Jinping at Haring Mohammed VI, nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ang relasyong Sino-Moroccan.

 

Dapat aniyang ibayo pang ipatupad ng kapuwa panig ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at pasulungin ang pag-unlad ng estratehikong partnership sa mas mataas na antas.

 

Kasama ng mga bansang Arabe na kinabibilangan ng Morocco, nakahanda ang Tsina na likhain ang mas magandang kinabukasan at palakasin ang estratehikong partnership ng dalawang panig, dagdag ni Zhao.

 

Saad naman ni Akhannouch, sapul nang ipatalastas ng mga lider ng Morocco at Tsina ang pagtatatag ng estratehikong partnership noong 2016, pumasok sa bagong panahon ang bilateral na relasyon.

 

Iginigiit aniya ng kanyang bansa ang simulaing isang Tsina, at buong tatag na sinusuportahan ang pangangalaga ng Tsina sa sariling soberanya at kabuuan ng teritoryo.

 

Inihayag din niya ang kahandaang palakasin ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng Belt and Road, kalakalan, pamumuhunan, pagpapalitang tao-sa-tao at iba pa, at pasulungin ang pagtatamo ng malaking progreso ng relasyong Morrocan-Sino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio