NAMOC, patuloy na magsikap para ibigay ang mas malaking ambag para sa usapin ng soyalismong kultural — Pangulong Tsino

2023-05-23 16:27:06  CMG
Share with:

Sa kanyang sagot na liham Mayo 21, 2023, sa mga beteranong eksperto at artista ng National Art Museum of China (NAMOC), ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang kanyang mainit na pagbati sa lahat ng miyembro ng NAMOC para sa Ika-60 anibersaryo ng pagtatag ng NAMOC.

 

Sinabi ni Xi na sinaksihan ng NAMOC ang pag-unlad ng usapin ng sining ng bagong Tsina. Sa pamamagitan ng kapuwang paggigiit ng pundamental na prinsipyo at inobasyon, natamo ng NAMOC ang positibong epekto sa edukasyong pampubliko, pagpapalitan sa labas at iba pang larangan.

 

Inaasahan ni Xi na patuloy na magsisikap ang NAMOC para makapagbigay ng mas malaking ambag para sa pag-unlad at kasaganaan ang usapin ng sining ng Tsina, pagpapasulong ng pagtatag ng kultural na karunungan, at pagtatamo ng bagong bunga ng sosyalismong kultura.

 

Ang NAMOC ay Art Museum sa antas ng bansa na itinatag makaraang maitatag ang bagong Tsina. Binuksan ito noong Mayo 23, 1963. 

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil