Pagpapalakas ng diyalogo at koordinasyon sa Alemanya, ipinanawagan ng premyer Tsino

2023-06-06 16:02:30  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing - Sa kanyang pakikipagtagpo Martes, Hunyo 6, 2023 sa delegasyon ng Social Democratic Party (SPD) ng Alemanya na pinamumunuan ni Lars Klingbeil, Tagapangulo ng SPD, inihayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na bilang mahalagang bahagi ng relasyong Sino-Aleman, ang pagpapalitan ng mga partido ay may malalimang katuturan para sa pagpapalakas ng kapwa panig ng mutuwal na pagkatuto, at magkasamang pagpapasulong sa kasaganaan at kaunlaran.

 

Nakahanda aniya ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa SPD, at pasulungin ang walang humpay na pagtaas ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.

 

Tinukoy ni Li na winewelkam ng panig Tsino ang pagpasok ng mas maraming kompanyang Aleman sa Tsina, para ibahagi ang bagong pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina.

 

Kasama ng panig Aleman, nakahanda ang Tsina na magkapit-bisig na pangalagaan ang katatagan ng industrial chain at supply chain, dagdag niya.

 

Umaasa ang premyer Tsino na gagampanan ng SPD ang mahalagang impluwensiya nito sa loob ng Alemanya at arenang pulitikal ng Europa, pananatilihin ang pangkalahatang lagay ng patakaran sa Tsina na nagtatampok sa rasyonalidad, diyalogo at kooperasyon, at pasusulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Aleman at Sino-Unyong Europeo (EU).

 


Saad naman ni Klingbeil, nitong nakalipas na halos 40 taon sapul nang itatag ang relasyon ng SPD at CPC, palagiang nagpunyagi ang kanyang partido sa pakikipagdiyalogo sa Tsina, at aktibong nagpasulong sa pag-unlad ng relasyong Aleman-Sino.

 

Hinahangaan aniya ng panig Aleman ang pagpapatuloy ng Tsina ng pagbubukas sa labas, at ipinalalagay nitong ang “decoupling” ay hindi pagpili ng bilateral na relasyon.

 

Nakahanda ang SPD na palakasin ang estratehikong diyalogo at pakikipag-ugnayan sa CPC, ibayo pang palawakin ang relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa, at gawin ang sigasig para sa tuluy-tuloy at matatag na pag-unlad ng relasyong Aleman-Sino at EU-Sino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil