Mataas na diplomata ng Tsina at Amerika, nag-usap

2023-06-06 11:24:52  CMG
Share with:

 

Nakipag-usap kahapon, Mayo 5, 2023 sa Beijing si Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, kina Daniel Kritenbrink, Asistenteng Kalihim ng Estado ng Amerika na namamahala sa mga suliranin ng Silangang Asya at Pasipiko, at Sara Beran, Mataas na Direktor ng National Security Council ng White House na namamahala sa mga suliranin ng Tsina.

 

Isinagawa ng dalawang panig ang "frank, constructive and fruitful" na komunikasyon hinggil sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Amerikano at maayos na pagkontrol sa mga hidwaan alinsunod sa komong palagay na narating ng pangulo ng dalawang bansa noong Nobyembre, 2022, sa Bali Island.

 

Ipinaliwanag ng panig Tsino ang solemnang paninindigan hinggil sa isyu ng Taiwan.

 

Sumang-ayon ang dalawang panig sa patuloy na pananatili ng komunikasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil