Pananalita at aksyong magdudulot ng kaguluhan sa Asya, tinutulan ng Tsina at mga panrehiyong bansa

2023-06-06 15:15:09  CMG
Share with:

Sa Shangri-La Dialogue na idinaos kamakailan, ipinahayag ng mga lider ng Indonesiya, Singapore at iba pang bansa na ayaw nilang makakita ng “New Cold War,” at mapapilitang pumili ng panig sa pagitan ng Tsina at Amerika.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Hunyo 5, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap, kasama ng mga panrehiyong partner na kinabibilangan ng mga bansang ASEAN, para mananangan sa ideya ng bukas at mutuwal na kapakinabangan, tutulan ang pananalita at aksyon ng pag-uudyok ng komprontasyon sa Asya.

 


Dapat magkakasamang magsikap ang mga bansang Asyano para itatag ang mapayapa, maunlad at kooperatibong Asya.

 

Sinabi rin ni Wang na ganap na nagpapakita na ang ilang bansa ay naglalayon na maglunsad ng “New Cold War” sa Asya, at at pilitin ang mga bansa sa rehiyon na pumili ng mga panig, na pumukaw ng malawakang pagbabantay at mahigpit na pagtutol mula sa mga bansa sa rehiyon.

 

Ang pagigiit ng estratehikong pagsasarili at pangangalaga sa katatagan at kaunlaran ng Asya ay komong mithiin ng mga bansa sa rehiyong ito.

 

Aniya, ang Asya ay rehiyon na mayroong pinakamalaking kasiglahan ng paglaki at potensyal ng pag-unlad sa buong dagidig. Ang Asya ay dapat maging “malaking plataporma” para sa win-win na kooperasyon, at may mutuwal na kapakinabangan sa halip ng “little circles,” diin pa ng tagapagsalitang Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil