Tsina, palalalimin ang pragmatikong kooperasyon sa Thailand – Pangalawang Pangulo ng Tsina

2023-06-06 16:05:13  CMG
Share with:

Nakipag-tagpo Martes, Hunyo 5, 2023 sa Beijing si Han Zheng, Pangalawang Pangulo ng Tsina, kay Prinsesang Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand, at dumalo siya sa selebrasyon sa kanyang ika-50 beses ng pagbisita sa Tsina.

 

Winewelkam ni Han ang pagdalaw ni Prinsesang Sirindhorn, at hinangaan niyang sapul nang dumalaw sa Tsina sa kauna-unahang pagkakataon noong 1981, mahalagang ambag ang ginawa ng prinsesa para sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon.

 


Kasama ng panig Thai, nakahanda aniya ang panig Tsino na ipatupad ang mahahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, palaganapin at manahin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa na parang kapamilya, tuluy-tuloy na pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road, palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at isakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan.

 

Pinasalamatan naman ni Prinsesang Sirindhorn ang ibinigay na suporta ng panig Tsino sa paglaban ng Thailand sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Aniya, sa kanyang 50 beses na pagbisita sa iba’t-ibang sulok ng Tsina, naramdaman niya ang pagkamasiglahin at pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino.

 

Inihayag din niya ang pagbati para sa kasaganaan ng Tsina at di-mabuburang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil