FM ng Tsina at Sekretaryong Heneral ng ICAO, nagtagpo

2023-06-07 14:46:19  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Hunyo 6, 2023, dito sa Beijing, kay Juan Carlos Salazar, Sekretaryong Heneral ng International Civil Aviation Organization (ICAO), ipinahayag ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na bilang pangunahing bansa sa transportasyong panghimpapawid, palagiang sinusuporta at pinapasulong ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa larangan ng abyasyong sibil sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

 

Aniya, ang “Belt and Road Initiative (BRI)” at Global Development Initiative na inilahad ng Tsina ay lubos na naaayon sa konsepto ng “no country left behind” na inilahad ng ICAO. Malugod na pinahahalagahan ng Tsina ang aktibong paglahok ng ICAO sa mga nauugnay na insyatiba.

 

Pinapurihan ng Tsina ang tumpak na paninindigan ng ICAO sa isyung may kinalaman sa Taiwan, at umaasang patuloy na buong tatag na suportahan ng ICAO ang Tsina sa hinaharap, saad ni Qin.

 

Lubos na pinahahalagahan ni Juan Carlos Salazar ang mahalagang nangungunang papel ng Tsina sa pag-unlad ng industsriya ng abyasyon sa buong dagidig. Aniya, palagiang nananangan ang ICAO sa prinsiyong isang-Tsina. Nakahanda ang ICAO na magsikap, kasama ng Tsina, para walang humpay na pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon sa abyasyong sibil.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil