Xi Jinping, bumati sa Ika-15 OIC Summit

2024-05-05 18:11:19  CMG
Share with:


Ipinadala kahapon, Mayo 4, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa Ika-15 Sesyon ng Islamic Summit Conference ng Organisation of Islamic Cooperation (OIC), na binuksan nang araw ring iyon sa Banjul, kabisera ng Gambia.

 

Sinabi ni Xi, na ang OIC ay simbolo ng pagkakaisa at pagsasarili ng mga bansang Islamiko, at ibinigay nito ang mahalagang ambag para sa kooperasyon ng mga bansang Islamiko at pandaigdigang pagkakapantay-pantay at katarungan.

 

Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng mga bansang Islamiko, na ipagpatuloy ang pagkakaibigan, dagdagan ang pagtitiwalaan, palalimin ang pagtutulungan, palawakin ang pagpapalitan, magkakasamang ipatupad ang Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative, at ibigay ang mas malaking ambag para sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.