CMG Komentaryo: Pagmamatigas ng pangulong Pilipino laban sa Tsina, pagtatapang-tapangan lamang

2024-06-06 15:30:44  CMG
Share with:


Sa kanyang talumpati kamakailan sa Ika-21 Shangri-La Dialogue, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kapuwa kinikilala ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at umano’y arbitral award sa South China Sea (SCS) ang lehitimong karapatan ng Pilipinas, at ito ang pundasyon ng patakaran ng bansa sa SCS. Aniya, hindi yuyukod ang Pilipinas sa isyung teritoryal.

 

Hinding-hindi pinahihintulutan ang pagbabago sa kasaysayan. Bilang isang kapuluang bansa, naranasan ng Pilipinas ang pananakop ng Espanya at Amerika.

 

Ang teritoryo nito ay tiniyak ng isang serye ng mga kombensyong pandaigdig na kinabibilangan ng 1898 Treaty of Peace between the United States of America and the Kingdom of Spain (the Treaty of Paris), 1900 Treaty between the United States of America and the Kingdom of Spain for Cession of Outlying Islands of the Philippines (the Treaty of Washington), at 1930 Convention between His Majesty in Respect of the United Kingdom and the President of the United States regarding the Boundary between the State of North Borneo and the Philippine Archipelago.

 

Ang Nansha Qundao at Huangyan Dao ng Tsina ay hindi kailanman nabilang sa mga kombensyong ito.

 

Sapul noong dekada 50, gamit ang pagtatayo at pagsasa-ayos ng pandaigdigang sistemang pandagat, walang tigil na pinalawak ng Pilipinas ang rehiyong pandagat na pinangangasiwaan nito, sa pamamagitan ng domestikong lehislatura, bagay na lumalapastangan sa soberanyang teritoryal at karapata’t kapakanang pandagat ng Tsina, at grabe ring lumalabag sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng UNCLOS.

 

Makaraang umakyat sa poder ang pamahalaan ni Marcos Jr., madalas na sapilitang pumapasok ang mga bapor ng Pilipinas sa nakapaligid na rehiyong pandagat ng Ren’ai Jiao at Huangyan Dao ng Tsina, na humahantong sa tuluy-tuloy na paglamig ng relasyong Sino-Pilipino.

 

Sa panahon ng Shangri-La Dialogue, sa halip na linawin ni Kalihim ng Depensa Lloyd Austin ng Amerika ang isyu hinggil sa alituntunin ng pagpapatupad ng Mutual Defense Treaty na iniharap ng Pilipinas, ipinagdiinan niyang palalakasin ng kanyang bansa ang pakikipagdiyalogo sa Tsina, upang maiwasan ang pagkaganap ng ganitong situwasyon.

 

Ayon sa opinyong publiko, ang aksyon ni Austin ay maliwanag na nagpahiwatig na hindi nais ng Amerika na maglunsad ng direktang sagupaan laban sa Tsina para sa Pilipinas.

 

Ang matigas na pakikitungo ng pangulong Pilipino laban sa Tsina ay pagtatapang-tapangan lamang.

 

Hindi malilinlang ng pagluluto ng pekeng impormasyon ang komunidad ng daigdig.

 

Sa halip, ito’y magreresulta sa pagbubukod sa sarili at magbubunsod ng mapanganib na situwasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio