Ipinahayag ngayong araw, Hunyo 6, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na nagsanggunian, Hunyo 5 sa Beijing ang panig Tsino at panig Ukrainian para talakayin ang relasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay ng talastasang pangkapayapaan hinggil sa isyu ng Ukraine na idaraos sa Switzerland, ipinahayag ni Mao na malinaw ang paninindigang Tsino hinggil sa nabanggit na pulong.
Patuloy aniyang pasusulungin ng Tsina ang talastasang pangkapayapaan at tigil-putukan sa pamamagitan ng sariling paraan, at kasama ng iba’t-ibang panig, sisikapin ng panig Tsino na likhain ang kondisyon para sa pulitikal na kalutasan ng nasabing krisis.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio