Ayon sa datos, Agosto 7, 2024, na inilabas ng pamahalaang Tsino, umabot sa higit 24.8 trilyong yuan RMB ang halaga ng kalakalang panlabas ng bansa, na lumaki ng 6.2% kumpara sa gayunding panahon ng 2023.
Samantala, ang bolyum ng automatic data processing equipment, integradong sirkito, at de-kuryenteng sasakyan ay katumbas ng halos 60% ng kabuuang bolyum mga produktong iniluluwas ng Tsina.
Ipinakikita nitong bumubuti ang estrukturang pangkalakalan ng bansa.
Nananatiling matatag at lumalaki ang kalakalang panlabas ng Tsina, at hindi lamang nito ipinakikita ang kasiglahan ng kabuhayang Tsino, kundi nagdudulot din ng mga pagkakataon para sa kabuhayang pandaigdig.
Ang pamilihang Tsino ay isang malaking pagkakataon para sa daigdig.
Kasabay ng dibersipikasyon ng paraan ng konsumo ng mga Tsino, malaki rin nitong pinasisigla ang pag-aangkat ng bansa.
Bukod diyan, ginagamit ng mga kompanyang Tsino ang mga modernong teknolohiya at malakas na kakayahan ng manupaktura para ipagkaloob ang de-kalidad na produkto at serbisyo sa daigdig.
Kaya masasabing ang kalakalang panlabas ng Tsina ay gumanap ng positibong papel para sa kabuhayang pandaigdig.
Sa katatapos na ika-3 sesyong plenaryo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), isinagawa ang mga hakbangin para palalimin ang reporma sa sistema ng kalakalang palabas na gaya ng pagpapahigpit ng ugnayan sa pagitan ng kalakalan, pinansiya, pananalapi at industriya; pagpapataas ng pangangasiwa sa adwana, taripa, at foreign exchange; at pagtatatag ng mainam na kapaligiran ng negosyo.
Ang mga ito ay magpapasulong sa pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Kahit kinakaharap ng daigdig ang mga hamong gaya ng alitang heo-pulitika, proteksyonismong pangkalakalan, at kompetisyon ng mga industriya sa pagitan ng iba’t-ibang bansa, patuloy na igigiit ng Tsina ang pagbubukas sa labas at pasususlungin ang de-kalidad na kalakalang panlabas, para magdulot ng mas maraming benepisyo sa sarili at buong daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
CMG Komentaryo: Patakaran ng Pilipinas sa SCS, hindi dapat sumunod sa kautusan ng Amerika
CMG Komentaryo: Dapat manatiling alerto sa aksyon ng Hapon sa isyung nuklear
CMG Komentaryo: Xizang, nagiging destinasyon ng mga kabataang Tsino para sa pagsisimula ng negosyo
CMG Komentaryo: Ano ang umaakit sa mga Amerikanong ehekutibo para bumisita sa Tsina?
CMG Komentaryo: Rekonsilyasyon sa loob ng Palestina, bakit narating sa Beijing muli?