2 suspek sa teroristikong banta sa konsiyerto ni Taylor Swift, arestado

2024-08-08 17:58:19  CMG
Share with:

Inanunsyo, Agosto 7, 2024 ng Ministri ng Interyor ng Austria, na inaresto ng kapulisan ng bansa ang dalawang indibidwal na pinaghihinalaang nagsasabwatan upang isagawa ang teroristang pag-atake sa konsiyerto ng Amerikanong mang-aawit na si Taylor Swift.

 

Sa isang press conference, sinabi ng pinuno ng pampublikong seguridad ng Ministri ng Interyor ng Austria na isa sa mga suspek, na 19 taong gulang, ay nagpahayag ng katapatan sa ekstremistang grupo na "Islamic State."

 

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, anang tanggapan.

 

Matatandaang sinabi sa social media ng mga tagapag-organisa ng konsiyerto, na dahil sa isyung panseguridad, kanselado ang tatlong pagtatanghal ni Swift sa Vienna.


Salin: Zheng Zihang

Pulido: Rhio