Inihayag, Agosto 7, 2024 ng World Anti-Doping Agency (WADA), na ang pagpapahintulot ng United States Anti-Doping Agency (USADA), sa pagsali ng mga atletang may stimulant sa mga paligsahan ay labag sa mga tadhana ng WADA sa pangangalaga sa kabuuan at pagkakapantay-pantay ng mga paligsahan.
Ayon sa WADA, wala itong ibinigay na pahintulot sa USADA na hayagang sumali sa mga paligsahan ang mga atletang may stimulant.
May hinala rin ang WADA, kung alam ng board of director ng USADA, o ng Kongreso ng Amerika, na siyang nagbibigay ng pondo sa USADA, ang tungkol sa nasabing hindi pagsunod sa mga alituntunin.
Ang mga aksyon ng USADA ay hindi lamang nakapinsala sa pagkakapantay-pantay ng mga paligsahan, kundi banta rin sa kaligtasan ng mga atleta, dagdag ng WADA.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio