Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping kaugnay ng ika-76 na anibersaryo ng Hilagang Korea

2024-09-09 16:09:53  CMG
Share with:

Sa mensahe ngayong araw, Lunes, Setyembre 9, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Kim Jong Un, Pangkalahatang Kalihim ng Workers' Party of Korea (WPK) at Presidente ng mga Suliraning Pang-estado ng Hilagang Korea (DPRK), kaugnay ng ika-76 anibersaryo ng pagkakatatag ng DPRK, sinabi niyang sa ilalim ng pamumuno ni Kim nitong nakalipas na ilang taon, natamo ng WPK at mga Hilagang Koreano ang serye ng mga tagumpay sa konstruksyon at pag-unlad ng bansa.

 

Nananalig aniya siyang tiyak na matatamo ng mga Hilagang Koreano ang mas malaking makabagong tagumpay sa usapin ng pagpapasulong ng sosyalismong may estilo ng Hilagang Korea.

 

Diin ni Xi, ang kasalukuyang taon ay ika-75 anibersaryo ng bilateral na ugnayang diplomatiko at taon ng pagkakaibigan ng Tsina at Hilagang Korea.

 

Sa makabagong kalagayan at panahon, patuloy aniyang titingnan ng Tsina ang relasyong Sino-DPRK batay sa estratehiko’t pangmalayuang anggulo.

 

Nakahanda ring palalimin ng Tsina ang estratehikong pakikipag-ugnayan sa panig Hilagang Koreano; palakasin ang koordinasyon at kooperasyon, mutuwal na pangangalaga sa kapakanan ng isa’t-isa; patibayin at paunlarin ang trandisyonal na relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa; at ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga Tsino at Hilagang Koreano, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio