Ministrong panlabas ng Tsina’t Hapon, nag-usap sa telepono

2024-10-10 15:42:35  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono, Oktubre 9, 2024 kay bagong Ministrong Panlabas Takeshi Iwaya ng Hapon, inihayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang pag-asang susundin ng panig Hapones ang pulitikal na pangako sa isyu ng Taiwan, igigiit ang simulaing isang-Tsina, ipapatupad ang mahahalagang komong palagay ng kapuwa panig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, at pasusulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon sa tumpak na landas.

 

Hinangaan ni Wang ang positibong senyal na ipinadala ng bagong gabinete ng Hapon tungo sa matatag na pagpapaunlad ng relasyong Sino-Hapones.

 

Aniya, bilang magkapitbansa, ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at komong kaunlaran ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng Tsina at Hapon.

 

Dapat aniyang komprehensibong pasulungin ng kapuwa panig ang estratehiko’t mutuwal na benepisyal na relasyon ng dalawang bansa, at buuin ang konstruktibo’t matatag na bilateral na relasyong angkop sa kahilingan ng makabagong panahon.

 

Inihayag naman ni Iwaya ang kahandaan ng gabineteng Hapones sa komprehensibong pagpapasulong sa estratehiko’t mutuwal na benepisyal na relasyong Hapones-Sino.

 

Aniya, sa harap ng ligalig na kalagayang pandaigdig, nagpupunyagi ang gabinete ng Hapon sa pagpapasulong sa diplomasya ng diyalogo’t koordinasyon.

 

Kasama ng panig Tsino, nakahanda ang gabinete ng Hapon na magsikap, upang gawin ang mas malaking ambag sa pagpapasulong sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at harapin ang mga hamong pandaigdig, dagdag ni Iwaya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio