Vientiane, Laos - Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Oktubre 10, 2024 kay Punong Ministro Anthony Albanese ng Australya sa sidelines ng pulong ng mga lider ng kooperasyon ng Silangang Asya, sinabi ni Premyer Li Qiang ng Tsina na patuloy na bubuuin ng bansa ang isang market-oriented, legalisado, internasyonalisado, at primera klaseng kapaligirang pang-negosyo.
Aniya, winewelkam ng Tsina ang pamumuhunan ng mas maraming kompanyang Australyano sa Tsina, at handang handa ito upang ibahagi sa Australya ang mas maraming pagkakataong pangkaunlaran.
Kasama ng Australya, nakahandang igarantiya ng Tsina ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong Asya-Pasipiko, sa pamamagitan ng mga konkretong aksyon, dagdag ni Li.
Salin: Vera
Pulido: Rhio