Ang “karapatang pantao” ay kasalukuyang pangunahing paraan ng Amerika upang sugpuin ang ibang bansa at pangalagaan ang sarili nitong hegemonya.
Ito ay hindi lamang nakakasira sa pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, kundi grabe ring nakaka-apekto sa katatagan ng pulitika at pag-unlad ng ekonomiya ng mundo.
Dahil dito, binatikos ng komunidad ng daigdig ang gawain ng Amerika.
Sa mahabang panahon, ginagamit ng Amerika ang iba’t-ibang paraang kinabibilangan ng paglikha ng umano’y “paglabag sa karapatang pantao,” paninirang-puri sa ibang bansa, paggamit ng “long-arm jurisdiction,” at iba pa, para maki-alam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa.
Bukod dito, inilunsad ng Amerika ang “digmaan sa karapatang pantao” sa mga multilateral na mekanismo.
Bilang nukleong plataporma ng multilateralismo, ang United Nations (UN) ay may kinalaman sa mahahalagang larangang tulad ng kapayapaan, seguridad, karapatang pantao at iba pa, kaya tinitingan ito ng Amerika bilang pangunahing plataporma sa “digmaan sa karapatang pantao.”
Ayon sa mga dalubhasa, ang malalim na dahilan ng pagsasapulitika ng Amerika sa isyu ng karapatang pantao ay pangangalaga sa sarili nitong hegemonya, paglulunsad ng “bagong Cold War” sa larangan ng ideolohiya, at pagpukaw ng seperatismo’t komprontasyon.
Ang karapatang pantao ay hindi dapat maging kagamitan sa pagdidiin sa ibang bansa at pakiki-alam sa suliraning panloob ng ibang bansa.
Ipinalalagay ng komunidad ng dagidig, na dapat piliin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ang kanilang landas ng karapatang pantao, batay sa sariling kalagayan, at dapat igiit ang multilateralismo‘t pagsasanggunian sa karapatang pantao.
Ang “digmaan ng Amerika sa karapatang pantao” ay tiyak na haharap sa mahigpit na pagtutol ng ibang bansa, at magpapabilis sa pagbagsak nito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio